Tricycle Driver, Timbog sa Umano’y Pagbebenta ng Iligal na Droga

Cauayan City, Isabela- Nasakote ng mga awtoridad ang isang lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation pasado alas-7:45 kagabi, Pebrero 28, 2022 sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Inaresto ng mga tauhan ng PDEA RO II ISABELA PO, PIU/PDEU, Cauayan CPS, RDEU at 2nd PMFC, IPPO ang suspek na si John Carlo Ponce, 28-anyos, may-asawa, isang driver, itinuturing na High Value Target at residente ng Brgy. District 1, sa nasabing lungsod.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong (3) piraso na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3, 400, isang cellphone,tricycle,improvised shotgun na may lamang isang (1) bala at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act, RA 10591 at Omnibus Election Code dahil sa umiiral na Gun Ban.

Facebook Comments