
βALLACAPAN, CAGAYAN – Nanawagan ng paglilinaw ang isang fourth-year student mula Barangay Bulo, Allacapan, Cagayan kaugnay ng proseso ng pagpili ng mga benepisyaryo ng PBBM Scholarship sa kanilang lugar.
β
βAyon sa estudyante, hindi umano naipaliwanag nang maayos sa mga residente at estudyante ang mga kwalipikasyon, pamantayan at proseso bago mapili ang mga benepisyaryo.
β
βWala rin umanong malinaw na pagkakataon para sa mga nais mag-apply na maisumite ang kanilang aplikasyon at mapasailalim sa screening.
β
βNoong Hunyo 10, 2026, sa isang meeting para sa ibang scholarship program, doon lamang umano nalaman ng ilang estudyante kung sinu-sino ang napiling benepisyaryo.
β
βNabanggit din umano ng Barangay Captain ang ilang pahayag tungkol sa limitadong bilang ng fourth-year students na maaaring makinabang sa programa.
β
βNang ilabas naman sa publiko ang mga larawan ng beneficiaries, napansin ng estudyante na kabilang dito ang ilang kamag-anak ng Barangay Captain.
β
βDahil dito, hinihiling ng estudyante na maipaliwanag ang naging batayan at proseso ng pagpili.
β
βBinigyang-diin rin ng estudyante na layunin lamang ng kanyang panawagan na matiyak na magiging patas, malinaw at pantay ang oportunidad para sa lahat ng kwalipikadong estudyante sa mga susunod na scholarship program.










