Saturday, August 22, 2026

π—£π—”π— π—œπ—Ÿπ—¬π—” π—‘π—š π—•π—œπ—‘π—”π—₯π—œπ—Ÿ 𝗑𝗔 π— π—˜π—”π—§ π—©π—˜π—‘π——π—’π—₯ 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗧𝗨𝗔𝗑, π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”, 𝗑𝗔𝗑𝗔π—ͺπ—”π—šπ—”π—‘ π—‘π—š π—›π—¨π—¦π—§π—œπ—¦π—¬π—”

CABATUAN, ISABELA – Nanawagan ng hustisya ang pamilya ng isang 40-anyos na meat vendor na nasawi matapos pagbabarilin sa Barangay Calaocan, Cabatuan, Isabela.

Matatandaang naganap ang pamamaril noong ika-15 ng Agosto, kung saan nagpanggap umanong bibili ng karne ang isa sa mga suspek bago pinaputukan ang biktima makalipas lamang ang ilang sandali.

Sa panayam ng IFM News Team kay Ginang Josephine Mabazza, asawa ng biktima, sinabi nitong wala umano siyang nakikitang dahilan upang gawin ng mga suspek ang naturang pamamaril sa kaniyang asawa.

Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa krimen gayundin ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga suspek.

Umaasa naman ang pamilya na sa lalong madaling panahon ay makakamit nila ang hustisya para sa kanilang mahal sa buhay at mapapanagot ang mga responsable sa pamamaril.

Sa gitna ng kanilang pagdadalamhati, nananatiling panawagan ng pamilya ang agarang pagresolba sa kaso at pagbibigay ng katarungan sa nasawing meat vendor.

Facebook Comments