Tuesday, April 21, 2026

Truck ban para sa mga sasakyang may dalang pagkain at langis sa Metro Manila, sinuspinde ng pamahalaan

Sinuspinde ng pamahalaan ang truck ban para sa mga sasakyang may dalang pangunahing bilihin, pagkain, at langis sa Metro Manila.

Ayon sa Office of the Executive Secretary, layon nitong mapabilis ang pagpasok ng mga produkto at mabawasan ang gastos sa biyahe para makatulong sa pagpigil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Para naman sa mga truck na hindi kasama sa exemption, ipatutupad ang Unified Truck Ban mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga at alas-4 hanggang alas-8 ng gabi.

Libre rin ng isang buwan ang toll fee para sa mga DA-accredited truck na dumaraan sa NLEX, SCTEX, CALAX, CAVITEX at iba pang MPTC expressways.

Habang may zero pass-through fees din para sa mga food product na papasok sa Metro Manila.

Nauna nang ibinaba ng pamahalaan ang shipping fees, kabilang ang piso na lang na Ro-Ro fee para sa mga sasakyang may kargang hilaw at hindi pa napoprosesong produktong agrikultura.

Facebook Comments