Tuesday, April 21, 2026

Mga Pinoy sa Lebanon, hinimok ng PH Embassy na samantalahin ang ceasefire sa Israel sa pag-avail ng voluntary repatriation

Hinimok ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Lebanon na samantalahin ang ceasefire sa Israel, sa pag-avail ng voluntary repatriation.

Ayon sa Embahada, sa ilalim ng Alert Level 3, mas ligtas at mabilis ang pag-alis ng bansa habang bukas ang mga ruta ng transportasyon at habang nananatiling payapa ang sitwasyong pang-seguridad.

Sa kabila ng 10 araw na ceasefire, pinapayuhan ng embahada ang mga Pinoy na manatiling mapagmatyag at limitahan ang kanilang paggalaw.

Pinapayuhan din ang Filipino community na tiyakin na malapit sila sa bomb shelter sa kanilang trabaho at sundin ang mga abiso ng Philippine Embassy.

Epektibo ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Lebanon nitong April 17.

Facebook Comments