
Naglabas na ng pahayag ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng direktiba ng Department of Justice (DOJ) patungkol sa pagpapatupad ng International Criminal Court (ICC) warrant laban kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., nirerespeto nito ang mga proseso ng justice system at kinikilala ang ahensyang nagpapatupad ng mga legal na kautusan.
Ayon pa sa kanya, ipatutupad nito ang kanilang mandato nang naaayon sa umiiral na batas, due process at operational procedures.
Tiniyak naman ng Pambansang Pulisya na ang lahat ng aksyon na kanilang gagawin ay mananatiling impartial, propesyunal at naaayon sa batas.
Facebook Comments










