Tuguegarao City, sasailalim sa MECQ; Local transmission, Dumami

Cauayan City, Isabela- Hiniling ni Mayor Jefferson Soriano ng Tuguegarao City ang pagsasailalim sa modified enhanced community quarantine mula sa dating mula sa modified general community quarantine ang lungsod sa loob ng 10 araw.

Ito ay agad na ipatutupad sakaling lagdaan ni Governor Manuel Mamba ang rekomendasyon ng alkalde.

Ayon kay Soriano, ipagbabawal ang dine-in, mahigpit na pagpapatupad ng social gathering, walang bibiyaheng pampublikong transportasyon at muling pagpapatupad ng liquor ban mula alas-9:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.


Kaugnay nito, nasa 19 ang COVID-19 positive sa lungsod at karamihan ay pawang local transmission.

Isinailalim naman sa lockdown ang barangay cataggaman viejo habang ang ilang kalye ng barangay ugac norte inilagay sa zonal containment strategy.

Giit pa ni Soriano na posibleng mas marami pang barangay ang isasailalim sa lockdown o zoning containment.

Facebook Comments