Thursday, June 25, 2026

NBI, naglabas ng mga ebidensya na magdidiin kay dating Cong. Mike Defensor sa kasong qualified human trafficking

Dumepensa si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa pagsasampa ng kasong qualified human trafficking laban kay dating Cong. Mike Defensor.

Naglabas din si Matibag ng mga ebidensya na aniya’y mag-uugnay sa KTV bar at sa hotel kung saan aniya dinadala ang mga biktima.

Nagpakita rin si Matibag ng mga larawan na aniya’y magpapatunay na nagkaroon ng sexual exploitation sa mga kababaihang sangkot sa operasyon.

Una nang iginiit ni Defensor na panggigipit ang pagsasampa sa kanya ng kaso ng NBI.

Facebook Comments