Friday, June 26, 2026

𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗦𝗘𝗦𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗘𝗡𝗢𝗥-𝗗𝗘-𝗘𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗞𝗥𝗜𝗠𝗘𝗡, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗜𝗪𝗔𝗡𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔

Cauayan City – Ipinaliwanag ng pamunuan ng Bahay Pagasa, Rehabilitation Center para sa mga Disadvantage Children, Children at Risk, at Children In Conflict with the Law ang proseso para sa mga menor-de-edad na nasasangkot sa iba’t-ibang klase ng krimen o paglabag sa batas.

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Edna Asuncion, Center Head ng Bahay Pagasa at Assistant Department Head ng City Social Welfare and Development Office ng Cauayan City, ang Bahay Pagasa ay nakaangkla sa Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act o ang batas o legal na proseso para sa mga minor law offenders.

Aniya, mayroong dalawang kategorya para rito, ang Children at Risk o CAR para sa mga batang nasa edad 12 years old and 15 years old below, at Children In Conflict with the Law para naman sa mga batang nasa edad 15 years and 1 day and below 18 years old.

Kalimitan sa mga menor-de-edad na itinuturing na CAR ay ang mga lumalabag sa mga local ordinances katulad ng curfew hours, truancy, theft, at iba pa. May mga pagkakataon rin umanong maituturing na CICL ang isang Children at Risk kapag nakagawa ito ng Heinous Crime o malalang krimen.

Sinabi nito na ang mga nasa edad 12 years old and below 15 years old ay excempted sa criminal liability ayon sa batas subalit mayroon pa rin silang civil liability, ibig sabihin ay hindi ito maaaring makulong sa bilangguan subalit kailangan pa ring nilang sumailalim sa rehabilitation process at pansamantalang mapunta sa kustodiya ng rehabilitation centers katulad ng bahay pag-asa.

Samantala, sa ilalim pa rin ng Juvenile Justice and Welfare Act, ang isang menor de edad na 15 years old and one day and below 18 years old ay maaaring managot sa batas kung mapatutunayang kumilos siya nang may discernment o pag-unawa na mali at may masamang epekto ang kanyang ginawa.

Kung walang discernment, hindi siya mananagot sa kasong kriminal at sa halip ay sasailalim sa intervention program ng pamahalaan.

Nakasaad din sa batas na ang mga CAR ay maaring matili sa Bahay Pagasa sa loob ng 1 taon subalit pwede umano itong ma-extend ng mas matagal depende sa ipapakitang pag-uugali ng bata.

Ang pamamalagi naman ng mga CICL sa center ay nakadepende umano sa court order o desisyon ng korte.

Pinabulaanan ng bahay pag-asa ang akala ng publiko na kapag ang isang menor-de-edad ay nasangkot sa kriminal na aktibidad ay wala na silang pananagutan. Ayon sa kanila, may pananagutan pa rin ang mga minor offenders subalit Ito ay nakabase sa Juvenile Justice and Welfare Act ng Pilipinas.

Facebook Comments