Tuesday, June 23, 2026

Sen. Alan Peter Cayetano, bukod tangi umanong naging senate president na hindi nagpakita ng statesmanship at professionalism

Muling bumanat si Senator Ping Lacson kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na aniya’y bukod tanging naging Senate President na hindi nagpakita ng statesmanship at professionalism.

Sa social media post ni Lacson, inisa-isa niya ang mga tumayong Senate President na nagpakita ng statesmanship at professionalism sa institusyon kabilang sina dating Senate Presidents Franklin Drilon, Manny Villar at Juan Ponce Enrile.

Dagdag pa rito sina dating SPs Koko Pimentel, Tito Sotto, at Chiz Escudero.

Binigyang-diin ni Lacson na bukod tanging si Cayetano lang ang naging lider ng Senado na nagdulot ng legislative paralysis dahil nagpumilit na kumapit sa pwesto.

Sa kabila aniya ng pagpapatalsik kay Cayetano ay nagpumilit pa rin ito na siya ang lehitimo, legal at moral na Senate President.

Sinabi rin ni Lacson na sa 28 araw na Senate Presidency ni Cayetano ay walang naging output ang Senado kaya nasayang ang P700 million na budget ng Senado sa mga araw na iyon.

Facebook Comments