ALAS-KWATRO KONTRA MOSQUITO CAMPAIGN, PINALAKAS SA BARANGAY CARANGLAAN

Pinalakas ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang kampanya laban sa dengue sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Alas-Kwatro Kontra Mosquito Campaign sa Barangay Caranglaan.

Pinangunahan ng City Health Office ang aktibidad bilang bahagi ng pinaigting na dengue prevention program ng lungsod.

Bahagi ito ng kampanya na mapataas ang kamalayan ng mga residente hinggil sa mga hakbang upang maiwasan ang pagdami ng mga lamok na nagdadala ng dengue.

Sa isinagawang aktibidad, namahagi rin ng mga anti-mosquito chemicals at iba pang kagamitan na gagamitin sa mosquito control operations.

Kasabay nito, muling pinaalalahanan ang publiko na isabuhay ang kampanyang “Taob, Taktak, Tuyo at Takip” upang maiwasan ang pamumuo ng tubig na maaaring pamugaran ng mga lamok.

Ayon sa mga health officials, mas epektibong maiiwasan ang dengue kung sama-samang kikilos ang bawat mamamayan bago pa dumami ang mga insektong nagdadala ng sakit.

Patuloy namang hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang mga Dagupeño na makiisa sa mga programang pangkalusugan upang mapanatiling ligtas at malusog ang buong komunidad laban sa dengue at iba pang sakit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments