
Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang kay two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo matapos makuha ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 2026 Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, makasaysayan ang panalo ni Yulo sa men’s floor exercise, na nagbigay sa bansa ng unang gold medal sa kompetisyon.
Sinabi ni Recto na sa husay, tiyaga at dedikasyon ni Yulo, muli nitong naitaas ang bandila ng Pilipinas sa international stage.
Ipinagmamalaki aniya ng Palasyo si Yulo at ang iba pang atletang Pinoy na patuloy na kumakatawan sa bansa sa Asian Games
Facebook Comments










