Monday, September 21, 2026

Mga isasagawang mapayapang protesta ngayong paggunita ng deklarasyon ng Martial Law, iginagalang ng NCRPO; karahasan at paglabag sa batas, hindi papayagan

Iginiit ng National Capital Region Police Office o NCRPO na iginagalang nito ang karapatan ng mga mamamayan na malayang maipahayag ang kanilang saloobin at maipaglaban ang kanilang mga adhikain sa pamamagitan ng mapayapang pagtitipon.

Ayon sa NCRPO, hindi nila pinipigilan ang sino man sa paggamit ng kanilang karapatang nakasaad sa Konstitusyon.

Gayunman, tungkulin ng pulisya na panatilihin ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, maprotektahan ang mga nagpoprotesta at iba pang mamamayan at maiwasan ang ano mang kaguluhan.

Hinimok din ng NCRPO ang lahat ng panig na pairalin ang mahinahong pag-uusap, makinig sa isa’t isa at pairalin ang maximum tolerance upang matiyak na magiging mapayapa ang pagpapahayag ng saloobin.

Gayunman, nilinaw ng NCRPO na kung magkakaroon ng ano mang karahasan o paglabag sa batas, nakahanda ang pulisya na kumilos alinsunod sa umiiral na mga batas.

Facebook Comments