Saturday, September 19, 2026

Pagpapatupad ng P12-per liter fuel discount program para sa mga operator at driver ng PUV at UV express, pansamantalang itinigil

Pansamantalang ipinagpaliban simula noong Biyernes, Sept. 18 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P12 per liter fuel discount program para sa mga operator at driver ng Public Utility Jeepney at UV Express.

Ito ay kaugnay ng umiiral na election ban para sa nalalapit na barangay at sangguniang kabataan elections, kung saan pansamantalang ipinagbabawal ang paglalabas, paglalaan o paggastos ng pampublikomg pondo para sa social welfare at services, maliban na lang kung aprubado ng Commission on Election o COMELEC.

Ayon sa ahensya, hihintayin pa nila ang “approval” ng COMELEC para maipagpatuloy ang disbursement ng fuel discount para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Matatandaang epektibo na ang election ban para sa naturang eleksyon noong Biyernes, Sept. 18 at magtatagal hanggang November 1.

Facebook Comments