Botohan para sa BSKE, target gawin ng COMELEC sa ilang shopping malls

Bubuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang botohan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan sa Oktubre sa ilang shopping malls.

Ayon kay Commissioner George Erwin Garcia, kabilang sa mga ikinokonsidera nilang mapaboto sa mga mall ay ang mga seaman na hindi pa nakasasampa sa barko at ang mga kasapi ng media para sa local absentee voting.

Sa ngayon aniya ay pinag-aaralan pa nila ang plano at iaanunsyo sa oras na maging maayos.


Dagdag pa ni Garcia, na kung magiging matagumpay ang implementasyon nito ay posibleng gawin ito sa Eleksyon 2025.

Facebook Comments