Sunday, November 22, 2026

Opisina ng bise alkalde ng Maynila, nasunog

Idineklara ng fire out ang sunog na naganap sa Manila City Hall ngayong umaga.

Ayon sa Manila Fire District, umabot sa unang alarma ang sunog na nagsimula ng alas-5:44 ng umaga bago idineklarang under control alas-6:15 at tuluyang naapula alas-6:21 ng umaga.

Agad na rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Intramuros Fire Station, katuwang ang Manial Fire Departmentat mga volunteer para agad na maapula ang sunog.

Nabatid na base sa paunang impormasyon, nagsimula ang sunog sa loob ng opisina ni Manila City Vice Mayor Chi Atienza.

Hindi naman na nadamay pa ang katabing tanggapan dahil sa mabilis ang responde ng mga bumbero.

Patuloy pang inaalam ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng pinsala habang pinapayuhan ang magtutungo sa tanggapan ng bise alkalde na abangan ang anunsyo kung kailan at saan sila maaaring magpunta.

Facebook Comments