
Ikinukunsidera na ng ilang mga senador na mabago ang voting threshold sa impeachment trial para sa conviction o pagbibigay ng hatol kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senate Majority Leader Migz Zubiri, ilang mga senador ang gustong mapag-aralan ang voting threshold na 16 para sa kinakailangang boto sa pagpapataw ng guilty verdict kay Duterte.
Sa tingin ni Zubiri, pangunahing isyu ng ilang mambabatas na ikunsidera ang threshold sa bilang ng boto sa impeachment ay dahil ilang senador na rin ang hindi makadalo sa paglilitis dahil nakakulong at isa ang nagtatago.
Sinabi ni Zubiri na maaari itong pagdebatehan ng mga mambabatas at pwede rin itong kwestyunin sa Korte Suprema.
Sa kabilang banda ay nagkakaisa naman aniya silang mga senador na tapusin ang impeachment trial hanggang sa Disyembre upang makatuon na sila sa ibang mga gawain ng Senado at makapagsimula na sa paghilom ang bansa.










