Mas maraming pasilidad para sa paglilibang, sports at iba pang aktibidad ang inaasahang mapapakinabangan ng mga residente sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan, sa patuloy na pagpapaunlad ng Nature’s Park.
Kabilang sa mga kasalukuyang isinasagawang proyekto ang slope protection, drainage canal, at pagtatayo ng mga konkretong mesa at upuan.
Nakaplano rin ang karagdagang bleachers, pampublikong palikuran, food strip, at pagpapailaw at pagpipintura sa basketball court.
Layunin ng mga proyektong ito na gawing mas maayos, ligtas at komportable ang pasyalan para sa mga residente at mga bumibisita sa lugar.
Sa sandaling makumpleto, inaasahang mas mapalalawak ang paggamit sa Nature’s Park bilang lugar para sa pamamasyal, sports at iba pang gawaing pangkomunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










