Pinaandar na sa Laoac, Pangasinan ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Sinimulan ang kampanya sa pamamagitan ng parada at iba pang aktibidad, bago isinagawa ang symposium na tumalakay sa Amplifying Safe Spaces at mga gender-based cases.
Batay sa ulat, lumahok sa aktibidad ang mga Barangay VAW Desk Officers, miyembro ng Solo Parents Federation, at mga katuwang na ahensya ng pamahalaan.
Alinsunod ang 18-Day Campaign sa pambansang kampanya na isinasagawa tuwing Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12 para labanan ang lahat ng uri ng karahasan laban sa kababaihan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








