USAPANG PANGKAPAYAPAAN | Miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group sumuko sa pulisya sa Basilan

Basilan – Sumuko sa pulisya ang isang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group sa Sitio Baag, Barangay Guiong, Sumisip, Basilan.

Kinilala itong si Ladjaman Lukman alyas Theng 28-anyos residente ng Sitio Baag, Barangay Guiong, Sumisip, Basilan.

Si Lukman ay kabilang sa ASG sub group na pinamumunuan ni Radzmer Jannatul alyas Kubayb na ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.


Ayon kay PNP ARMM Spokesperson Police Senior Inspector Jemar Delos Santos kusang loob na sumuko Basilan Police Provincial Office at Provincial DILG Basilan ang terorista kamakalawa.

Isinuko rin ng terorista ang kanyang isang m79 Rifle at isang m2o3 live ammunition.

Sa ngayon nanatili sa kustodiya ng PNP ang sumukong terorista.

Facebook Comments