Thursday, July 16, 2026

Mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa, pinaalalahanan ng DOLE na kumuha ng employment permit

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga dayuhan at mga employer na kumuha ng tamang employment permit bago magtrabaho sa Pilipinas.

Sa gitna ito ng nagpapatuloy na imbestigasyon kay dating Ateneo Blue Eagles Head Coach Tab Baldwin.

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, kinakailangang magkaroon ng valid Alien Employment Permit ang sinumang nais magtrabaho sa bansa.

Bukod pa aniya ito sa Alien Certificate of Registration na nagpapahintulot naman na tumira dito sa Pilipinas.

Sakali aniyang mabigo ang sinumang dayuhan na makakuha ng kanilang Alien Employment Permit (AEP) ay maaaring maharap sila kasama ng employer sa legal na parusa kabilang ang deportation.

Pero sa ilalim aniya ng alituntunin ng Labor Department ay kinakailangan pang magsilbi ng tatlong taon sa kulungan bago i-deport ang isang dayuhan.

Samantala, nagpaalala naman si Tolentino sa mga paaralan na may empleyadong foreign nationals na mahigpit na sundin ang nakalagay sa kanilang kontrata.

Una nang sinabi ni Tolentino na binigyan ng hanggang June 25 si Baldwin para magsumite ng sagot at mga dokumento habang itinakda naman ang formal hearing sa kaso sa June 29.

Facebook Comments