Thursday, June 18, 2026

Public hearing kaugnay sa minimum wage sa Metro Manila, isinagawa ngayong araw

Nagsimula na ang pagdinig ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) kaugnay sa minimum wage determination sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), layon ng public hearing na ito na pag-usapan ang minimum wage sa rehiyon kasama ang mga kinatawan mula sa labor at management sector at iba pang stakeholders.

Tinatalakay dito ang mga panukala at pananaw sa posibleng pagtataas ng minimum na sahod sa rehiyon.

Habang gagamitin naman ng Wage Board ang mga rekomendasyon at impormasyong makakalap mula sa pagdinig at sa mga naunang konsultasyon para sa kanilang mga susunod na deliberasyon.

Ayon sa NWPC, isinasagawa ang naturang proseso alinsunod sa mandato ng RTWPB sa ilalim ng Wage Rationalization Act.

Facebook Comments