Friday, June 12, 2026

PBBM, kinilala si Sen. Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore sa Araw ng Kalayaan

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Senador Win Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore sa pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park nitong Biyernes, Hunyo 12.

Sa kaniyang talumpati, binanggit ng pangulo si Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore kasabay ng pagbati sa iba pang opisyal.

Nagbigay rin ng palakpakan ang ilang dumalo matapos banggitin ng Pangulo ang pangalan ni Gatchalian

Si Gatchalian din ang kumatawan sa Senado sa okasyon.

Hindi naman dumalo si Senador Alan Peter Cayetano sa programa.

Facebook Comments