Valencia City sa Bukidnon, tinamaan ng magnitude 5.0 na lindol kahapon

Bukidnon – Tinamaan ng magnitude 5.0 na lindol ang Valencia City sa Bukidnon ng alas-3:39 kahapon.

May kalakasan man pero tumagal lang ng 2-3 segundo ang lindol na siyam na kilometro ang lalim ng epicenter.

Dahil dito, naramdaman ang intensity 4 sa Malaybalay City at intensity 3 naman sa Cagayan De Oro City at Kidapawan City.


Samantala, una nang niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang ilang lugar sa SOCSSARGEN na tumagal ng 10 segundo kung saan naitala ang epicenter nito walong kilometro sa hilaga ng Saranggani Province.

Naramdaman mula dito ang intensity 5 sa General Santos at intensity 4 sa Digos City habang intensity 3 naman sa Davao City.

Facebook Comments