Victoria Towers sa Timog Avenue, binulabog ng bomb threat

Manila, Philippines -Binulabog ng bomb threat ang Victoria Towers sa Timog Avenue, Quezon City mag-aalas onse kaninang umaga.

Ayon kay Supt. Peter Sanchez ng Quezon City Police District, nakatanggap sila ng report ukol sa banta at umano’y kahina-hinalang aktibidad sa second floor ng gusali.

Pero nang inspeksyunin, negatibo sa bomba ang lugar.


Alas 11:30 kanina nang ideklarang ligtas ang gusali at pinayagang makabalik ang mga tao sa loob.

Facebook Comments