Hinabaan pa ng Philippine Military Academy (PMA) ang visiting hours sa Fort Del Pilar, Baguio City, para sa publiko.
Sa ngayon maari nang makapasok sa PMA ang mga bisita at kamag-anak ng mga kadete mula 8:30 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon, Lunes hanggang Linggo.
Ito’y mula sa orihinal na inanunsyong schedule kahapon na hanggang alas-11:00 lang ng umaga tuwing weekdays at hanggang alas-12:00 ng tanghali tuwing weekends papayagan ang mga bisita.
Limitado parin sa 300 bisita ang papasukin kada araw na kailangang mag-prisinta ng vaccine card o negative RT-PCR test na kinuha sa loob ng 72 oras.
Paalala naman ng PMA sa publiko na may policy sila na “careless day” tuwing Martes at Huwebes mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Kaya kailangang iwanan sa designated parking areas ang mga sasakyan at maglakad o magbisikleta sa loob ng kampo ang mga bisita sa mga araw na iyon.
Ang muling pagbubukas ng PMA sa publiko ay matapos ang humigit kumulang na dalawang taong “lock down” at dahil nagbaba na ng COVID alert level sa Baguio City sa Alert Level 1.