Tuesday, November 3, 2026

Tulong sa mga Move It riders na maaapektuhan ng desisyon ng LTFRB, pinag-aaralan ng DOLE

Pinag-aaralan na ng Department of Labor and Employment ang magiging tulong sa mga rider ng Move It na posibleng maapektuhan dahil sa overboarding na nasita ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ito ay matapos pagmultahin ng LFTRB ang motorcycle taxi platform dahil lumagpas sa pinahihintulutan na bilang ng riders sa ilalim ng MC Taxi Pilot Program.

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, dalawang beses na silang nakipagpulong sa mga kumpanya para talakayin ang posibleng solusyon dito.

Kabilang na diyan ang pag-absorb ng mga rider na maaapektuhan at ililipat sa ibang kumpanya.

Sa kabila nito, wala pa aniyang pinal na napapagkasunduan lalo’t magkakaiba naman ang patakaran ng bawat platform sa pagkuha ng kanilang mga rider.

Dapat din munang bigyang linaw ang magiging employment status at ang mga nararapat na magiging hakbang ng pamahalaan.

Facebook Comments