Magbubukas ng mahigit isang libong oportunidad sa trabaho ang nakatakdang Local and Overseas Job Fair 2026 sa bayan ng Tayug, Pangasinan sa Disyembre 2, 2026.
Aabot sa 1,219 na bakanteng trabaho ang iaalok sa mga interesadong aplikante, kasunod ng paglahok ng pitong kumpanya na magbibigay ng oportunidad para sa lokal at maging sa ibang bansa.
Batay sa paunang anunsyo ng lokal na pamahalaan ng Tayug, inilabas na rin ang listahan ng mga kumpanyang lalahok at ang kani-kanilang mga bakanteng posisyon na maaaring aplayan ng mga job seeker.
Dahil dito, hinihikayat ang mga residente ng Tayug at mga karatig-bayan na makilahok sa job fair upang magkaroon ng pagkakataong makahanap ng trabaho at mapalawak ang kanilang oportunidad sa lokal at internasyonal na merkado ng paggawa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








