Voters Registration Turn Out sa Rehiyon Uno, mataas

Nakapagtala ang Commission on Election na mataas na voters registration turn out para sa bagong botante maging sa mga regular voters na nagparehistro.
Ayon sa tala ng Election Barangay Affairs Department, nanguna ang Rehiyon Uno sa may pinakamataas na voters registration turn out na umabot sa 87,575 ang mga nagparehistro na regular voters o mga may edad na 18 pataas.
Samantala ang edad 15-17 years old ay umabot sa 59,451 ang nagparehistro sa Sangguniang Kabataan voters. Ito umano ay dahil sa isinagawang information drive sa iba’t ibang lugar.
Target pa din umano ng COMELEC na pataas aang turn out hanggang sa matapos ang huling araw ng pagpaparehistro sa September 30, 2019.

Facebook Comments