Naglabas ng babala ang pamunuan ng Barangay Poblacion sa Binmaley, Pangasinan matapos maitala ang insidente ng pagnanakaw sa isang tindahan noong umaga ng June 13, 2026.
Batay sa kuha ng CCTV ng naturang shop, dalawang hinihinalang kawatan ang nakitang tinangay ang isang gas stove at isang tangke ng gasul mula sa tindahan bago mabilis na tumakas.
Sa panayam ng IFM News Dagupan, sinabi ng pamunuan ng barangay na patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon habang kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek na sangkot sa krimen.
Paiigtingin umano ng barangay ang pagbabantay at magdadagdag pa ng mga CCTV camera sa mga pangunahing lansangan para makaiwas sa anumang mga krimen.
Nanawagan din ang barangay sa mga residente na maging mas mapagmatyag at agad na iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang kilos o posibleng insidente ng nakawan sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








