Sino kaya ang tatanghaling may hawak ng beat? Iyan ang tanong ng marami sa kauna-unahang LGBTQIA+ Cheerdance Competition na gaganapin ngayong araw, Hunyo 20, 2026, sa bayan ng Rosales, Pangasinan.
Bahagi ang naturang kompetisyon ng pagdiriwang ng Town Fiesta ng Rosales. Matapos ang isinagawang audition at screening, labing-isang grupo mula sa iba’t ibang bayan ang magtatagisan ng husay, talento, at pagkakaisa sa larangan ng cheerdancing.
Binubuo ang kompetisyon ng mga talentadong miyembro ng LGBTQIA+ community mula sa Villasis, Urdaneta City, Tayug, Sta. Maria, Rosales, Mapandan, Mangaldan, Lingayen, Asingan, Dagupan City, at Binalonan.
Bago ang mismong Cheerdance Competition, magkakaroon muna ng Pride Parade bilang pagpapakita ng pagkakaisa, pagmamalaki, at suporta sa LGBTQIA+ community, na inaasahang magpapataas ng kumpiyansa at inspirasyon ng mga kalahok.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







