Tuesday, June 16, 2026

Mga dating players ng Ateneo, nasa PNP-CIDG para sa imbestigasyon kaugnay ng insidente ng pagkalunod nina Baterbonia at Adili

Isa-isang dumating sa tanggapan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ngayong umaga ang mga dating players ng Ateneo Blue Eagles sa Camp Crame Quezon City.

Nabatid na imbitahan sila ng CIDG para makapagbigay ng salaysay sa kanilang naging karanasan sa isinasagawang team building at training ni Coach Tab Baldwin sa Dipaculao, Aurora.

Dumating sa CIDG kanina sina Anton Asistio,Mike Nieto, Geo Chiu, Kyle Ong, Tyler Tio, Lars FJellvang, Kymani Ladi ,Josh Lazaro at Dom Escobar .

Una nang nilinaw ni CIDG Director Maj Gen Alexander Morico II na hindi subpoena kundi imbitasyon lang ang kanilang ginawa sa mga nasabing dating players ng Ateneo.

Ilan naman sa mga aktibidad na iniimbestigahan ng CIDG ang ginawang calisthenics ng grupo, exposure sa weather, brutal treatment, at forced physical activity na magpo-fall sa posibleng paglabag sa Anti-Hazing Act.

Kahapon, sinabi ng CIDG na homicide at hazing ang tinitingnan nilang anggulo kaugnay ng nasabing insidente.

Inaasahan naman bukas darating ang mga kasalukuyang manlalaro ng Ateneo na kasama ng 2 basketball players na nasawi .

Facebook Comments