Thursday, June 18, 2026

STARTER KITS PARA SA MGA DAYCARE SA MAPANDAN, IBINIGAY KASABAY NG PAGBUBUKAS NG KLASE

Nakatanggap ng mga starter kits ang mga batang nasa Early Childhood Care and Development (ECCD) program sa mga Child Development Centers sa bayan ng Mapandan, kasabay ng pormal na pagbubukas ng kanilang klase.

Isinagawa ang pamamahagi sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) katuwang ang ECCD program.

Ang mga ipinamahaging starter kits ay binubuo ng bag at iba pang pangunahing gamit sa paaralan partikular sa mga pangunahing kailangan sa Child Development Centers.

Ayon sa MSWDO, target nitong masuportahan ang learning activities kasabay ng patuloy na koordinasyon sa mga kinauukulang tanggapan para sa early childhood development sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments