Cite for contempt, last option ng Senate impeachment court sa mga hindi susunod sa utos ng korte

Tinitingnan ng Senate impeachment court na isa sa posibleng maging option nila ang pagpapa-contempt sakaling magmatigas ang Kamara at hindi tumugon sa mga hinihinging resolusyon hinggil pa rin sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa tagapagsalita ng impeachment court na si Atty. Reginald Tongol, nakasaad sa rule 7 ng impeachment rules na may kapangyarihan ang presiding officer o ang korte na motu-proprio at ipa-cite for contempt ang sinuman.

Paliwanag ni Tongol, maaari ring imomosyon ng opposing parties na defense o prosecution panel ang pagpapacontempt.

Gayunman, sinabi ng tagapagsalita na magiging huling paraan lamang ng impeachment court ang pagpapa-contempt dahil hindi naman strikto si presiding officer Chiz Escudero sa pag-apply ng mga probisyon ng impeachment rules partikular na sa bukas na pagtalakay ng impeachment sa publiko.

Kung mapapansin din aniya ay hindi rin mahigpit sa pagpapatupad ng rule 18 kung saan tumutukoy naman ito sa gag order o lahat ng mga senator judges, prosecutors at lawyers ay hindi na dapat nagsasalita tungkol sa merits ng kaso.

Facebook Comments