Tuesday, April 21, 2026

Dalawang suspek sa “gas-and-go” incident sa QC, arestado

Arestado ang dalawang suspek kaugnay ng “gas-and-go” incident sa Quezon City.

Kinilala ni Police Station 13 commander PLtCol. Rowena Amata ang isa sa mga naaresto na si alias “Tyron”.

Ayon sa imbestigasyon, isang motorista na sakay ng Toyota Vios ang nagpakarga ng gasolina na nagkakahalaga ng ₱1,500 sa Brgy. Payatas, Quezon City noong April 20, 2026, ngunit bigla umanong humarurot patungong Litex, Brgy. Commonwealth nang hindi nagbabayad.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang PS 13 at inalerto ang Land Transportation Office, na nagresulta sa pagtukoy sa registered owner ng sasakyan sa Taguig City.

Ayon sa may-ari, naibenta na niya ang sasakyan noong 2021 sa isang Christian, na siya namang nagsabing hiniram lamang ito ni alias “Tyron”.

Natunton at naaresto si Tyron sa Montalban, Rizal, kasama ang isa pang suspek na si alias “Ricky”.

Sasampahan ang mga ito ng kasong estafa.

Facebook Comments