Monday, November 23, 2026

Suporta sa sports, tiniyak ni PBBM sa pagbubukas ng Palarong Pambansa

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa sports kasabay ng pagbubukas ng 2026 Palarong Pambansa sa Agusan del Sur.

Sa mensaheng binasa ni Special Assistant to the President Antonio Ernesto Lagdameo Jr., sinabi ng Pangulo na palalawakin pa ng gobyerno ang school sports programs at mga organisadong palakasan sa mga paaralan.

Mahigit 10,000 student-athletes mula sa 18 rehiyon ang kalahok sa walong araw na kompetisyon na ginaganap sa Prosperidad, Agusan del Sur mula May 24 hanggang 31.

Binanggit din ni Pangulong Marcos ang tagumpay ng mga atletang Pilipino sa international tournaments, kabilang ang 43 medalya na napanalunan ng bansa sa ASEAN School Games sa Brunei.

Hinimok naman ng Pangulo ang mga kalahok na lumaban nang may disiplina, respeto, at sportsmanship.

Facebook Comments