TURISMO AT PASYALAN SA SAN NICOLAS, MAS PINALALAKAS; AGPAY ECO PARK, NAKAPAGTALA NG 802 BISITA SA ISANG ARAW

Mas pinalalakas sa San Nicolas, Pangasinan ang kanilang sektor ng turismo partikular sa mga pasyalan at iba pang destinasyon na maaaring bisitahin ng mga dumarayong turista at lokal na bisita.

Nito linggo lamang, November 15, umabot sa 802 katao ang nagtungo sa Agpay Eco Park sa nasabing bayan, batay sa tala ng Municipal Tourism, Culture and Arts Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Sa kabuuang bilang, 511 ang mula sa San Nicolas habang 291 naman ang nagmula sa mga karatig-bayan.

Naganap ang pagdagsa ng mga bisita kahit nakaranas ng maghapong pagkawala ng suplay ng kuryente sa lugar, ayon sa lokal na pamahalaan.

Samantala, patuloy na hinihikayat ng LGU ang publiko na bisitahin ang mga pasyalan sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments