Tuesday, April 21, 2026

PNP-IAS, magsasagawa ng motu proprio investigation sa pamamaril sa General Santos City na ikinasawi ng menor de edad

Magsasagawa ng motu proprio investigation ang Philippine National Police Internal Affairs Service kaugnay ng insidente ng pamamaril sa Brgy. Labangal, General Santos City noong April 18 kung saan isang menor de edad ang nasawi.

Ayon kay Brigido Dulay, sisiyasatin kung may pagkukulang o kapabayaan ang mga rumespondeng pulis sa naturang insidente.

Batay sa ulat, nag-ugat ang insidente matapos makatanggap ng report ang pulisya hinggil sa nagpaputok sa lugar, na agad nilang rinespondehan. Nauwi ito sa palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at suspek, na ikinasawi ng suspek at ikinadawit ng isang 12-anyos na batang babae na nasawi.

Sa ngayon, patuloy ang pangangalap ng ebidensya habang hinihintay ang resulta ng forensic examination at ballistic tests.

Tiniyak ng IAS na sakaling mapatunayan ang pananagutan ng mga pulis, haharap ang mga ito sa kaukulang kaso.

Nagpahayag din ng pakikiramay ang PNP-IAS sa pamilya ng nasawing menor de edad.

Facebook Comments