Thursday, April 16, 2026

Pamamahagi ng libreng bigas para sa LGU, sinimulan na sa Maynila

Sasaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng “Biyayang Bigas para sa Maynila” ngayong umaga, April 16, 2026.

Gaganapin ang aktibidad sa SM Manila, kung saan pangungunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng bigas sa mga benepisyaryo.

Tinatayang nasa 80,000 pamilya sa Maynila ang makikinabang sa programa.

Bawat kwalipikadong pamilya ay makatatanggap ng tig-10 kilo ng bigas upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Kabilang sa mga mabibigyan ang mga tsuper at iba pang sektor na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Pinondohan ang programa ng pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund na nagkakahalaga ng ₱286 milyon.

Facebook Comments