Friday, April 17, 2026

Presyo ng pangunahing bilihin sa isang grocery store sa Muntinlupa City, mas mababa sa itinakdang presyo ng DTI

Walang naitalang pagtaas sa presyo ng mga prime commodities at basic necessities sa isang grocery store sa Cupang, Muntinlupa City.

Kasunod ito ng isinagawang monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) sa basic necessities and prime commodities (BNPCs) sa Robinsons Supermarket sa Muntinlupa.

Ang hakbang ng DTI na regular na monitoring ay dahil na rin sa nagpapatuloy na krisis sa Middle East na dahilan ng pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo na nakaaapekto rin sa presyo ng mga bilihin.

Ayon kay DTI Secretary Cristina Roque, ang presyo ng mga bilihin sa naturang grocery store ay mas mababa pa sa itinakda ng Department of Trade and Industry.

Dagdag ni Roque, sapat din ang suplay ng mga pangunahing bilihin sa naturang grocery store kaya walang dahilan para mag-panic buying ang publiko.

Facebook Comments