Batay sa spot report ng Villasis Police Station, kinilala ang biktima na 42 anyos, isang zumba instructor at residente ng naturang barangay.
Kinilala naman ang suspek na isang 33 anyos na magsasaka at residente ng Brgy. Piaz, Villasis.
Sa isinagawang paunang imbestigasyon, napag-alamang papaalis na umano ang biktima matapos ang kanyang zumba activity nang walang malinaw na dahilan ay pinagbabaril siya ng suspek.
Agad namang rumesponde ang mga pulis na nasa malapit na lugar at pinayuhan ang suspek na sumuko nang mapayapa, ngunit sa halip ay pinaputukan umano nito ang mga awtoridad dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis.
Nagtamo ng mga tama ng bala ang suspek at isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.
Samantala, nagtamo naman ng limang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at isinugod rin sa ospital at nasa matatag nang kondisyon.
Humingi na rin ng tulong ang Villasis Police sa SOCO Urdaneta Satellite Team para sa pagsasagawa ng crime scene processing. Narekober sa lugar ang isang caliber .45 pistol na umano’y ginamit sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








