Wednesday, May 27, 2026

PALIGSAHAN NG “GANDANG BUNTIS 2026”, HANDA NG RUMAMPA

Hindi lamang korona at rampa ang bibigyang-buhay kundi pati ang tunay na hiyas at himala ng pagiging isang ina.

Ipinakilala na ng Official Rural Health Unit (RHU) ang labing-siyam na naggagandahang buntis mula sa bayan ng Binalonan para sa Korona ng mga Hiyas na “Gandang Buntis 2026,” na magbibigay ningning at inspirasyon sa gaganaping patimpalak sa darating na Mayo 29, 2026.

Umaasa ang Lokal na pamahalaan at ang RHU na ang programang ito ay magbibigay halaga sa kalusugan ng mga buntis at ng kanilang mga magiging sanggol.

Layunin ng patimpalak na magbigay-pugay sa kumpiyansa, ningning, at makulay na paglalakbay ng mga “mommies-to-be” sa kanilang kapana-panabik na yugto ng pagiging ina. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments