50 JUNIOR HIGH SCHOOL STUDENTS, SUMAILALIM SA AI AT COMPUTER TRAINING SA VILLASIS

Tinatayang 50 junior high school students ang lumahok sa isang hands-on training ukol sa computer operations at Artificial Intelligence (AI) na isinagawa ng Villasis noong Mayo 19, 2026.

Bahagi ang aktibidad ng Summer Program 2026 ng lokal na pamahalaan na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga kabataan sa digital technology at makabagong kasanayan na mahalaga sa edukasyon at komunikasyon.

Sa isinagawang pagsasanay, tinuruan ang mga estudyante hinggil sa basic computer operations, digital literacy, internet safety, paggamit ng iba’t ibang software applications, at panimulang kaalaman tungkol sa Artificial Intelligence.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na mahikayat ang mga kabataan na maging responsable at produktibong gumagamit ng teknolohiya, gayundin upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa mabilis na umuunlad na digital environment.

Dahil sa limitadong pasilidad at kagamitan ng training center, 50 estudyante lamang ang tinanggap bilang registrants sa ilalim ng first come, first served basis.

Inaasahan namang magpapatuloy pa ang mga kahalintulad na programa upang mas marami pang kabataan sa bayan ang mabigyan ng oportunidad na matuto ng mga kasanayang may kaugnayan sa digital technology. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments