
Umaasa si House Speaker Faustino Bodjie Dy III na magsisilbing inspirasyon ang Palarong Pambansa upang mas maraming kabataan ang mangarap, magsikap, at maniwala sa kanilang kakayahan.
Mensahe ito ni Dy kasunod ng pagbubukas ng Palarong Pambansa sa Agusan del Sur kahapon.
Diin ni Dy, ang Palarong Pambansa ay pagdiriwang ng sipag, disiplina, teamwork, at pangarap ng kabataang Pilipino.
Ayon sa kanya, hindi lamang ito sports competition kundi pagkakataon din para mahubog ang karakter ng mga kalahok, makabuo ng pangmatagalang pagkakaibigan, at malinang ang tiyaga at determinasyon.
Binanggit pa ng House Speaker na sa bawat ensayo, pawis, sakripisyo, at laban, naipapakita ang tunay na diwa ng sportsmanship at ang lakas ng kabataang Pilipino.
Facebook Comments










