Wednesday, May 27, 2026

𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗔𝗟𝗜𝗖𝗔𝗢𝗖𝗔𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗢𝗩𝗘𝗥𝗙𝗟𝗢𝗪 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘

CAUAYAN CITY- Handa na ang pamunuuan ng Brgy. Alicaocao sa darating na panahon ng tag-ulan upang maiwasan ang pinsala at panganib na dulot ng pagapaw ng tubig sa Alicaocao Overflow Bridge sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Arturo Recobo, nagsagawa na sila ng serye ng pagpupulong upang talakayin ang mga hakbang sa kaligtasan ng mga residente. Kabilang sa kanilang paghahanda ang pagbabantay tuwing may malakas na ulan, at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na ahensya para sa agarang responde sa oras ng sakuna.

Dagdag pa niya, sa mga ganitong panahon ay nakaantabay lang ang kanilang mga sasakyan upang tulungan sa paglikas ang mga residente ng Brgy. Alicaocao.

Bukod dito, ay inaasahan din ng naturang barangay ang ipagkakaloob sa kanila na rescue boat mula sa lokal na pamahalaan upang mas mapabilis ang paglikas at pagsagip sa mga residenteng maaaring ma-trap sakaling tumaas ang tubig at hindi madaanan ang overflow bridge.

Sa kabila ng banta ng pagbaha, nananatiling kumpiyansa ang mga opisyal na sa pamamagitan ng maagang paghahanda at kooperasyon ng komunidad ay maiiwasan ang anumang sakuna sa Brgy. Alicaocao.

Facebook Comments