
Pinayuhan ni Sen. Ping Lacson ang mga law enforcer na higit pang paghusayin ang intelligence work para sa pagtugis at pag-aresto sa mga high-profile fugitives sa bansa.
Ibinigay ni Lacson ang pahayag sa gitna ng patuloy na paghahanap sa ilang personalidad, kabilang si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na nahaharap sa arrest warrant ng International Criminal Court (ICC), negosyanteng si Atong Ang, dating Gen. Gerald Bantag, at dating Cong. Zaldy Co na umano’y nasa France kaugnay ng mga isyu sa flood control project anomalies.
Ayon sa senador, bilang dating nasa law enforcement, “agahan, tanghalian at hapunan” nila ay intelligence work.
Giit pa ni Lacson, ang intelligence ang nagsisilbing pangunahing gabay ng anumang operasyon ng law enforcement o military.
Dagdag niya, masasayang ang resources ng mga awtoridad kung walang maayos na intelligence work at koordinasyon sa pagtugis sa mga tinuturing na high-profile fugitives.










