Wednesday, May 27, 2026

π—§π—¨π—Ÿπ—”π—ž 𝗑𝗔 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗬𝗒 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑 π—–π—œπ—§π—¬, π—‘π—”π—žπ—’π—₯π—‘π—˜π—₯ π—‘π—š π—žπ—”π—£π—¨π—Ÿπ—œπ—¦π—”π—‘

Cauayan City – Arestado ang isang hinihinalang Street Level Individual (SLI) matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City nitong Mayo 25, 2026.

Kinilala ang suspek na si alyas β€œPepito,” residente ng Brgy. MuΓ±oz West, Roxas, Isabela.

Nahuli ang suspek matapos umano nitong bentahan ng hinihinalang shabu ang isang poseur buyer kapalit ng P1,000. Narekober mula sa kanya ang ilang sachet ng hinihinalang ilegal na droga, buy-bust money, isang cellphone, at isang motorsiklo.

Agad namang minarkahan at isinailalim sa inventory ang mga nakuhang ebidensya sa harap ng suspek at mga kinatawan mula sa National Prosecution Service at barangay. Dinala rin ang suspek sa Provincial Forensic Unit sa City of Ilagan para sa drug testing at laboratory examination.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

Facebook Comments