Wednesday, May 27, 2026

𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗥𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗘𝗘𝗗𝗦, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

CAUAYAN CITY- Isang truck na may may kargang sako-sakong feeds ang nahulog sa isang tulay sa Brgy. San Pablo, Cauayan City noong ika- 25 ng Mayo.

Kinilala ang driver na si alyas “Mario”, 34- anyos, driver, habang ang helper naman nito ay kinilalang si alyas “Ric”, nasa hustong gulang, at pawang mga residente ng Brgy. Libertad, Echague, Isabela.

Batay sa ulat, patungong forest region ang naturang truck partikular na sa Brgy. Gappal, Cauayan City upang doon sana magdeliver ng karga nitong mga Feeds.

At nang makarating sa pababa at bahagyang kurbadang bahagi ng daan ay dito na umano, nagkaroon ng aberya at mawalan ng preno ang naturang truck.

Dahil sa bigat ng karga nito, nawalan umano ng kontrol ang driver sa manibela hanggang sa tuluyang mahulog ang truck sa tulay.

Masuwerte namang nakaligtas ang driver at helper at walang naiulat na nasawi sa insidente.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa mga driver na regular na suriin ang kondisyon ng kanilang sasakyan bago bumiyahe.

Facebook Comments