
Cauayan City – Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit β±455,000 halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang isang barangay secretary at kanyang asawa sa isinagawang operasyon sa Buguey, Cagayan.
βAng operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa ilalim ng Republic Act No. 9165.
βKinilala ang mga suspek na sina alyas ” “Kiko” at “Nancy”, mag-asawa, at kapwa residente ng Buguey, na itinuturing na High-Value Individuals.
βPinangunahan ang operasyon ng Provincial Intelligence Unit β Provincial Drug Enforcement Unit ng Philippine National Police, katuwang ang iba pang yunit at ahensya kabilang ang Philippine Drug Enforcement Agency.
βSa bisa ng search warrant na inilabas ng RTC Aparri, nakumpiska ang 13 sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 67 gramo at tinatayang halaga na β±455,600.
βDinala ang mga suspek at ebidensya sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon.
βAyon kay Cagayan Police Provincial Director Police Colonel Mardito Anguluan, patunay ang operasyon sa patuloy na pagsisikap ng kapulisan na mapanatili ang kapayapaan at masugpo ang ilegal na droga sa lalawigan.










