
Cauayan City – Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang nasa mahigit β±1M halaga ng umanoβy pekeng at hindi rehistradong fertilizer sa isinagawang operasyon sa Barangay Sta. Isabel Norte, Ilagan City, Isabela.
β
βNakuha ang mga produkto matapos ang pag-iisyu at pagsisilbi ng search warrant sa isang establisimyento sa lugar.
β
βAyon sa mga awtoridad, natuklasan ang mga sako at container ng abono na walang kaukulang rehistro at sertipikasyon mula sa Fertilizer and Pesticides Authority (FPA).
β
βPinangangambahang maaaring makasira ang mga ito sa pananim, magpababa ng kalidad ng lupa, at magdulot ng panganib sa mga mamimili.
β
βSamantala, isinagawa ang operasyon sa pagtutulungan ng CIDG Isabela, Isabela Police Provincial Office, Ilagan City Police Station, Bureau of Fire Protection, at FPA Region 2.
β
βGiit ng mga awtoridad, patuloy ang kampanya laban sa iligal na produktong pang-agrikultura na maaaring makapinsala sa sektor ng pagsasaka.










